MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng five-time champions Ateneo De Manila University at ng University of Sto. Tomas ang ikaapat at huling silya sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament.
Maghaharap ang Blue Eagles at ang Tigers ngaÂyong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng mga talsik nang University of the East at University of the Philippines sa alas-2 sa Smart Araneta Coliseum.
Tinalo ng De La Salle University ang UST, 69-64, noÂong Sabado para kunin ang playoff sa No. 2 spot laban sa Far Eastern University.
Ang No. 1 at No. 2 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.
Ang National University ang umangkin sa No. 1 berth dahil sa mas mataas na quotient sa kabila ng pagÂkakaroon nila ng La Salle at ng FEU ng magkakaparehong 10-4 baraha.
Dahil sa ipinataw na one-game suspension ay hindi makikita sa bench ng Ateneo si head coach Bo Perasol.
Iniutos ng UAAP Board na isilbi ni Perasol ang kanÂyang naunang one-game ban matapos makita habang nanonood ng laro ng Blue Eagles at Red Warriors.
Nauna nang pinatawan ang dating PBA mentor ng suspensyon dahil sa pagkompronta sa isang La Salle alumni matapos ang kabiguan ng Ateneo.
Si assistant coach Sandy Arespacochaga ang panÂsaÂmantalang gigiya sa Blue Eagles kontra sa Tigers ni Pido Jarencio.
Nanggaling ang Ateneo sa 65-70 pagyukod sa NU noong Setyembre 11 sa kanilang pagharap sa UST.
Muling aasahan ng Blue Eagles sina Kiefer RaÂvena, Ryan Buenafe, JP Erram, Chris Newsome, Von Pessumal at Juami Tiongson.
Babanderahan naman nina Jeric Teng, Aljon MariaÂno, Karim Abdul at Clark Bautista ang Tigers.
Samantala, paglalabanan ng Green Archers at ng Tamaraws ang No. 2 berth sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang mananalo ang siyang aangkin sa ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.
Muling magkikita ang La Salle at ang FEU sa pagsisimula ng semifinals.