MANILA, Philippines - Magsasagupa ang Philippine National Police at Far Eastern U sa labanan ng mga bokyang teams para sa pag-asang makapasok sa quarterfinal round habang sisikapin naman ng Air Force at Meralco na pagandahin ang kanilang record sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.
Pag-aagawan ng Lady Patrollers at Lady Tams na parehong bokya sa 5-laro, ang unang panalo sa alas-2:00 ng hapon kung saan ang mananalo ay sasalo sa Navy sa sixth place na may pag-asa pa sa quarterfinal berth sa season-ending confe-rence ng ligang sponsored ng Shakey’s.
Ang panalo ng PNP ay sisibak sa kontensiyon sa FEU at kung magkakagayon ay magiging krusyal ang PNP-Navy match sa pagsasara ng eliminations sa Biyernes dahil magiging labanan ito para sa huling quarterfinals berth.
Ngunit ang panalo ng FEU ngayon at ang tagum-pay ng PNP sa Navy sa Biyernes na sasabayan ng panalo ng Army sa FEU sa Biyernes din ay magreresulta ng three-way tie para sa sixth place.
Reresolbahin ito ng tiebreaker at ang top-two teams ang maglalaban para sa huling quarterfinal slot at masisibak ang huli.