Sevillano nangunguna sa Shell Activve chess finals
MANILA, Philippines - Tinalo ni Kyle Rhenzi Sevillano si top seed Felix Balbona at iba pang higher-ranked rivals para makamit ang liderato sa juniors’ boys division, habang nagtabla naman sina Jean Karen Enriquez at Gladys Hazelle Romero sa unahan sa girls class sa pagsisi-mula ng Shell National Youth Active Chess Cham-pionships grand finals sa SM Megamall Event Center noong Sabado.
Ginitla ni Sevillano, nagdomina sa Mindanao elims, si Balbona sa first round at isinunod sina No. 6 Timothy So Kua, second ranked Aljie Cantonjos, No. 7 Jerome Villanueva at third seed Allan Pason para ilista ang isang one-point lead laban kay Candidate Master Jan Nigel Galan sa round robin tournament na itinataguyod ng Pilipinas Shell.
Hangad ng 14-anyos na si Sevillano na duplikahan ang paghahari ni GM Wesley So na nanalo sa juniors at sa national kiddies events.
Makakatapat ni Sevillano si Galan sa eighth round.
Binigo naman ni Galan sina Cantonjos, Pason, No. 4 Jeazzir Surposa at fifth seed Vince Medina bago natalo kay So Kua sa fifth round para sa kanyang 4.0 points.
Bumangon si Villanueva mula sa kanyang kabiguan sa fourth round kay Sevillano matapos gibain si No. 8 Mark Labog para sa kanyang 3.5 points, habang may 3.0 points si So Kua kasunod si Balboa (2.5 points).
May magkatulad namang 2.0 points sina Surposa at Labog sa itaas nina Cantonjos (1.5), Pason (1) at Medina (0.5).
- Latest