^

PM Sports

kinuha ang playoff para sa no. 2 seat sa final 4: La Salle wagi sa UST

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng De La Salle University ang pagwalis sa kanilang pitong laro sa second round at masikwat ang playoff para sa No. 2 seat sa Final Four.

Ito ay matapos talunin ng Green Archers ang Uni­versity of Santo Tomas Tigers, 69-64, sa 76th UAAP men’s bas­ketball tournament ka­hapon sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

 Ang panalo ng La Salle ang nagtakda sa ka­nilang playoff game ng Far Eastern University pa­ra sa No. 2 berth.

Ang National University ang umangkin sa No. 1 spot mula sa mas mataas nilang quotient kesa sa La Salle at FEU.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.

Sumandig ang Green Archers kina Jeron Teng, Norbert Torres at Jason Perkins sa pinakawalang 23-7 arangkada para ku­nin ang 53-45 kalama­ngan sa third period.

Nakadikit naman ang Tigers sa 55-58 agwat sa fourth quarter.

Ang basket ni LA Revilla ang muling naglayo sa La Salle sa 64-57 sa hu­ling 2 minuto ng laro.

Umiskor si Teng ng 19 points para sa Green Archers kasunod ang 14 ni Nelbert Torres at 11 ni Al­­mond Vosotros.

Binanderahan ni Ka­rim Abdul ang UST mula sa kanyang 18 markers, habang may 16 si Aljon Mariano.

Lalabanan ng Tigers ang five-time champions Ateneo Blue Eagles para sa No. 4 berth sa Final Four sa Miyerkules.

Sa unang laro, binigo ng talsik nang University of the East ang Adamson University, 77-60. (RC)

UE 77 - Mammie 24, Galanza 17, Olivares 11, Casajeros 8, Alberto 7, Jumao-as 6, Santos 2, Noble 2, Pujante 0, Javier 0, Hernandez 0, Flores 0.

Adamson 60 - Trollano 15, Monteclaro 10, Inigo 6, Cabrera 6, Brondial 6, Agustin 6, Cruz 5, Sewa 3, Petilos 2, Abrigo 1, Garcia 0, Cabigas 0.

Quarterscores: 11-13; 43-38; 62-55; 77-60.

La Salle 69 - Teng 19, N. Torres 14, Vosotros 11, Perkins 7, Van Opstal 6, Revilla 6, T. Torres 3, Salem 3, Reyes 0, Montalbo 0, De La Paz 0.

UST 64 - Abdul 18, Ma­riano 16, Teng 10, Bautista 6, Sheriff 5, Ferrer 5, Lo 2, Daquioag 2, Pe 0, Faundo 0.

Quarterscores: 15-13; 37-30; 53-45; 69-64.

ABDUL

ADAMSON UNIVERSITY

ALJON MARIANO

ANG NATIONAL UNIVERSITY

ANG NO

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with