Meralco, Army agawan sa ika-3 q’final slot

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Me-ralco at Army ang ikatlong upuan sa quarterfinals habang playoff sa susunod  na yugto ang hanap ng Air Force sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikaapat na panalo ang maililista ng winning team sa pagitan ng Army Women at Power Spikers sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro na magsisimula matapos ang laban ng Air Women at Navy Sailors sa ika-2 ng hapon.

May 2-2 baraha ang  Air Force at kung pa-dadapain nila ang Navy ay ookupahan na nila ang playoff para sa ikaanim at huling puwesto na aabante sa quarterfinals.

Ito ay mangyayari dahil ang Navy at PNP (0-4) ay puwedeng tumapos hanggang tatlong panalo sa walong koponang liga na inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Nakaalpas na sa elimination round ang Cagayan Province at Smart sa 7-0 at 4-2 baraha.

Papasok ang Power Spikers mula sa siyam na araw na pamamahinga at nananalig ang mga tagahanga nito na mananatili ang bangis ng mga inaasahan tulad nina Chinese 6’3” import Coco Wang, Fille Cainglet at Maureen Ouano para madugtungan ang straight sets panalo na naiposte sa Philippine Navy noong Setyembre 3.

 

Show comments