LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines -- Sasagupain nina Fil-Am Ruben Gonzales at Johnny Arcilla sina New Zealand No. 1 Jose Statham at No. 2 player Michael Venus sa pagbubukas ng Asia-Oceania Davis Cup Group II promotional tie ngayon sa Plantation Bay Resorts and Spa.
Haharapin ni Gonzales si Venus sa ganap na alas-4 ng hapon kasunod ang laro nina Arcilla at Statham sa singles match sa alas-6 ng gabi.
“It doesn’t matter whether I play the first singles or the second, what’s impportant is that I have gained some experience and confidence in the Davis Cup,†sabi ni Gonzales.
Sina Statham at Venus ay may mga world rankings na 293rd at 372nd, ayon sa pagkakasunod, kumpara sa No. 933 na si Gonzales at sa unranked na si Arcilla.
Tinalo na ni Gonzales si Venus sa NCAA Division I kung saan kinatawan ni Gonzales ang Illinois.
“We play the same style, strong serve, strong forehand but I’m more comfortable on this kind of surface,†sabi ni Gonzales.
Maliban kina Gonzales at Arcilla, ang dalawa pang kabilang sa National team ay sina Fil-Am Treat Conrad Huey at Francis Casey Alcantara.
Makakaharap nina Huey at Alcantara sina Artem Sitak at Marcus Daniell sa doubles event na nakatakda sa alas-6:00 ng gabi bukas.