Hindi sumuko ang Arellano

MANILA, Philippines - Pumasok ang buslo ni John Pinto sa huling 1.7 segundo para makumpleto ng Arellano ang pagba-ngon mula sa pitong puntos pagkakalubog tungo sa 76-75 panalo sa Lyceum sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May 15 puntos sa laro si Pinto at apat ang kanyang ginawa sa hu-ling 2:50 ng labanan para pawiin ng Chiefs ang 65-72 iskor at saluhan ang  Pirates sa 4-8 baraha.

“I have been reminding them about believing. In this game, they did not doubt and gave up,” wika ni Arellano coach Koy Banal.

Si Prince Caperal ay may solidong 25 puntos at 16 rebound bukod sa apat na assists habang 11 puntos ang idinagdag ni Keith  Agovida para sa Chiefs na tinapos ang two-game lo-sing streak.

May 17 puntos si Isaah Mbomiko pero siya rin ang nagpatalo sa Pirates sa inbound error na nagresulta sa winning jumper ni Pinto.

Doble-selebrasyon ang nangyari sa Arellano dahil ang Braves ay umiskor ng 66-56 panalo sa Junior Pirates para uma-ngat sa 3-9 baraha. Ito ang  ika-12 diretsong pagkatalo ng Lyceum.

Ang CSB-LGHS ay namayani sa Perpetual Altalettes, 85-69, upang kumapit pa sa ikatlong puwesto sa 9-3 baraha habang nasa ikapitong puwesto ang natalong koponan sa 5-7 baraha.

 

Show comments