Yeo sa Air21; Isip sa Petron

MANILA, Philippines - Matapos makuha sina Asi Taulava at Mark Borboran mula sa Meralco kapalit nina Mike Cortez at James Sena, nahugot naman ng Air21 si guard Joseph Yeo ng Petron Blaze.

Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang pagdadala ng Boosters kay Yeo sa Express kapalit ni 6-foot-6 center Mark Isip.

Nawala sa rotation ng Petron ni coach Gee Abanilla ang 6’1 na si Yeo matapos makuha sina Marcio Lassiter, Chris Lutz at Ronald Tubid.

Naglista ang dating La Salle Green Archer na si Yeo ng mga averages na 3.00 points at 1.00 rebounds sa loob ng 6.75 minuto sa anim na laro para sa Boosters.

Makakasama ni Yeo sa Air21 sina Taulava, Borboran, Niño ‘KG’ Canaleta, Wynne Arboleda, Ren Ren Ritualo, Jr. at Nelbert Omolon.

Ang 6’4 na si Omolon ang unang hiniling na makuha ng Petron bago nakuntento kay Isip, nagposte ng mga averages na 6.8 points at 2.8 rebounds sa anim na laro niya sa Express.

Makakasabayan ni Isip sa Boosters ang mga kapwa dating Far Eastern University Tamaraws na sina Arwind Santos at Denok Miranda.

Show comments