^

PM Sports

Anak ni Adornado sumali sa PBA D-League rookie draft

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang anak ni dating three-time Most Valuable Player William ‘Bogs’ Adornado ang pinakabagong nadagdag sa listahan para sa 2013 PBA D-League Draft.

Si Josemarie Adornado ay makakasama sa draft procedure na nakatakda sa Setyembre 19.

Ang 6-foot-1 guard na si Adornado ay miyembro ng Ateneo Blue Eagles Team B.

Maliban kay Adornado, ang iba pang kabilang sa draft ay sina Fil-Australian Mark Franco, Robert Angelo Packing ng Far Eastern University (Team B), Alejandro Adovas (STI), Michael Camposagrado (Divine World College of Abra) at Krist Edward Pao (University of Cebu).

Sila ay makakasama sa 10 pang nauna nang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa draft na magtatampok kay Fil-Italian guard Chris Banchero.

Ang Café France ang unang pipili ng player sa hanay ng mga founding members kasunod ang Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports at NLEX.

Ang No. 7 pick ay hawak ng Cagayan Valley kasunod ang Hog’s Breath at Jumbo Plastic.

Ang order of selection para sa mga bagong koponan ngayong season ay idedetermina sa pamamagitan ng lottery. Ang lahat ng bagong players ay dapat magsumite ng aplikasyon sa Draft para makalaro sa 2014 D-League season na magbubukas sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena.

ADORNADO

ALEJANDRO ADOVAS

ANG CAF

ANG NO

ATENEO BLUE EAGLES TEAM B

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with