KIEV, Ukraine – Tuluyan nang nagwakas ang kampanya ng PLDT-ABAP national team matapos mabigo ang huli nilang dalawang boksingero sa 2013 AIBA Junior World Boxing Championships.
Yumukod si bantamweight Mike Angelo Plania kay Henry Lebron Jr. ng Puerto Rico, habang natalo si light bantamweight Paul Gilbert Galagnao kay Istvan Szaka ng Hungary sa kani-kanilang mga laban.
Naging sandata ni Lebron para talunin si Plania ang kanyang mga matutulis na hooks at mabibigat na uppercuts.
Nakipagsabayan naman ang Cagayan de Oro native na si Galagnao sa eksperyensadong si Szaka sa kanilang banggaan.
Ngunit mas pinaboran ng mga hurado ang Hungarian fighter para sa unanimous decision win nito kay Galagnao.
Sinabi ni ABAP exe-cutive director Ed Picson na nakuha ng kanilang mga bagitong boksingero ang inaasam nilang karanasan sa pagsabak sa naturang torneo.
“It would have been nice if we had a better draw so they could have fought more,†wika ni Picson. “Still we’ve gotten a lot of offers for sparring. We’re taking on all comers so they will get those fights.â€
Ang iba pang mi-yembro ng developmental PLDT-ABAP team na sumali sa torneo ay sina Hipolito Banal Jr. at Jayson Daming.