MANILA, Philippines - Malugod na tinanggap ni Mikee Cojuangco-Jaworski ang inaaasahang panghabangbuhay na commitment bilang full-fledged member ng International Olympic Committee.
“I have been blessed with another adventure to undertake,†sabi ni equestrienne at individual gold me-dalist ng 2002 Asian Games sa Busan, South Korea.
Ibinalita ang pagkakahalal ni Cojuangco-Jaworski, anak ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco, bilang IOC member nitong Martes ng gabi. Nakakuha siya ng 79 sa 97 na bumoto sa 125th IOC Session sa Buenos Aires.
Walong iba pa ang ibinotong IOC members kasama ang ang asawa ng anak ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski na si Dudot.
Papalitan ni Jaworski bilang IOC representative to the Philippines ang magreretirong si Frank Elizalde na nailuklok sa posisyon noong 1985.
Sa edad na 39, maaaring si Jaworski ang pinakabatang miyembro ng IOC.
Ang isang IOC member ay inihahalal para sa eight-year term ngunit maaaring mare-elected ng ilang terms pa hanggang sa abutin niya ang retirement age na 70.
Sa 204 bansa sa ilalim ng Olympic movement, may 112 IOC members lamang at kinabibilangan ito ng mga Royalty.
Hindi sila kinatawan ng kanilang bansa sa IOC ngunit kabaliktaran nito. Sila ay IOC representatives sa kani-kanilang bansa na itinuturing na mataas na posisyon.
Si Jaworski ay first cousin ni Pangulong Benigno “Noynoy†Aquino III at pamangkin ni dating President Cory Aquino, na kinikilalang ina ng demokrasya.
“Thank you for all your congratulatory messages,†sabi ni Jaworski na may tatlo nang anak at naging movie actress at television host.
Si Jaworski ang ikatlong IOC representative to the Philippines matapos sina Jorge B. Vargas at Elizalde.
Hindi nakarating sa Buenos Aires ang kanyang amang si Cojuangco na kasalukuyang nasa America para batiin si Joworski sa kanyang pagkakahalal.