MANILA, Philippines - Sinelyuhan ng Natio-nal University ang unang twice-to-beat advantage sa Final Four nang padapain uli ang Ateneo, 70-65, sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Si Bobby Ray Parks Jr. ay gumawa ng 24 puntos, 7 rebounds at 2 steals habang si Emmanuel Mbe ay naghatid ng 17-puntos at 12 rebounds.
Ngunit ang nagbida sa Bulldogs ay si Dennice Villamor na gumawa ng pitong puntos sa huling yugto upang ibigay sa koponan ang ika-10 panalo matapos ang 14 laro.
Pinakamahalagang buslo ni Villamor ay ang corner-three mula sa assist ni Parks at ilayo ang NU sa 68-63.
Napababa pa ng Eagles ang kalamangan sa tatlong puntos, 68-65 ngunit ang pinakawalang panambalang tres sana ni Juami Tiongson ay tumama lamang sa harap ng ring.
Si Parks ay binigyan ng foul at gumawa ng da-lawang free throws para sa pinal na iskor.
Unang nanalo ang FEU sa UP, 87-69, para pantayan ang NU sa unang puwesto.
Ang La Salle ay makikipagtuos sa UST sa Sabado at kung manalo ang Archers ay makakasalo uli nila ang FEU at NU sa 10-4 baraha.
Pero ang NU ang may pinakamagandang quotient sa tatlong koponan para angkinin na ang number one spot habang ang Tamaraws at Archers ay sasabak sa playoff para sa ikalawang puwesto at ang kaakibat na insentibo.
Pero kung matalo ang Archers sa Tigers, ang FEU ang magiging number one habang ang NU ang number two seed.
Ang Eagles ay bumaba sa 7-6 karta para sa ikalimang puwesto at kaila-ngan nilang manalangin na matalo ang UST sa DLSU upang magkaroon sila ng knockout game para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four.
FEU 87 – Romeo 33, Tolomia 15, Pogoy 9, Garcia 8, Hargrove 7, Cruz 4, Belo 4, Aguilon 3, Sentcheu 2, Delfinado 2.
UP 69 – Marata 23, Soyud 14, Lao 6, Gallarza 6, Suarez 5, Wong 4, Ligad 3, Gingerich 3, Harris 2, Ball 2, Desiderio 1.
Quarterscores: 20-8; 46-28; 67-49; 87-69.
NU 70 – Parks 24, Mbe 17, Villamor 9, Alejandro 5, Khobuntin 4, Alolino 4, Porter 3, Javelona 3, Rono 1.
Ateneo 65 – Newsome 17, Erram 11, Tiongson 8, Elorde 8, Pessumal 7, Buenafe 7, Golla 4, Ravena 3.
Quarterscores: 21-18; 33-29; 49-45; 70-65.