Banal yukod sa Azerbaijan pug

MANILA, Philippines - Natalo si Hipolito Banal Jr. kontra kay Eljan Gafarli ng Azerbaijan para masibak sa kontensiyon sa AIBA Junior World Boxing Championships na ginaganap sa Kiev, Ukraine noong Lunes.

Tila mas nakapagdeliber ng mga klarong suntok si Banal sa laban ngunit ibinigay ng tatlong judges ang panalo kay Gafarli  sa kanilang magkakatulad na 29-28 iskor matapos ang tatlong rounds.

Ang 10-point must system ang ginagamit sa Olympic-style boxing, kung saan ibinibigay sa boxer ang 10-points kapag nanalo sa isang round.

Nagulat si National coach Ronald Chavez na nasa corner ni Banal kasama si Juniors head coach Romeo Brin sa kinalabasan ng laban.

 â€œWe were pretty sure we had won because Banal fought well and we even saw the Azeri coach shaking his head after the fight,” aniya.

Ipinaalala ni delegation head Ed Picson na base sa rules ng AIBA, hindi puwedeng iprotesta ang desis-yon ng mga judges at ang referee lang ang puwedeng kuwestiyunin.

Dahil dito, tanging si opening day winner Mike Angelo Plania at Paul Gilbert Galagnao ang pag-asa ng Team PLDT-ABAP.

Makakasagupa ng 16-anyos na si  Plania ang Puerto Rican na si Henry Lebron Jr. kahapon habang ang 15-anyos na si Galagnao,  ay sasabak din kay  Istvan Szaka ng Hungary.

Show comments