Cagayan Lady spikers tangka ang ika-7 sunod na panalo

MANILA, Philippines -  Matapos pasadsarin ang karibal na Phl Army, tangka ng Cagayan Pro-vince na panatilihin ang kanilang malinis na record sa pagharap sa Phl National Police ngayon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Sa pangunguna ng Thai duo nina Kannika Thi-pachot at Phomia Soraya, hindi pinaporma ng Rising Suns ang Lady Troopers tungo sa 25-9, 25-16, 25-20 panalo noong Linggo para sa kanilang ikaanim na sunod na tagumpay.

Samantala, dumating na ang Thai import ng Smart na si Lithawat Kesinee at inaasahang lalaro ngayon sa pagharap ng kanyang koponan sa Phl Navy sa alas-4:00 ng hapon.

“She (Kesinee) has arrived today (kahapon) and will play tomorrow (ngayon),” sabi ni Smart coach Roger Gorayeb.

Nagtala ang power-hitter na si Thipachot ng match-high na  17 hits kabilang ang 16 kills habang si Soraya ay may 37 excellent sets mula sa 76 attempts.

“They’re the heart and soul of this team,” ani Cagayan coach Nes Pamilar patungkol sa kanyang mga Thai players.

Haharapin ng Cagayan sa alas-2:00 ng hapon ang PNP team na manggaga-ling sa 3-sunod na talo.

Nanggaling ang Net Spikers sa masaklap na 22-25, 18-25, 17-25 pagkatalo na kanilang ikalawa sa limang laro mula sa mga kamay ng Phl Air Force noong Huwebes kung saan anim lamang ang kanilang players at wala silang libero.

 

Show comments