ACCEL 3XVI UAAP Press Corps Player of the Week Jeron Teng nasandalan ng La Salle

MANILA, Philippines -  Tamang–tama ang pagpapamalas ni Jeron Teng ng angking galing para siya ang gawaran ng ACCEL 3XVI UAAP Press Corps Player of the Week na handog din ng Gatorade.

Si Teng ay tumapos bitbit ang 21 puntos at ang pinakamahalagang buslo ay ang follow-up sa huling 44.8 segundo para tulungan ang La Salle sa 57-55 panalo sa National University noong Linggo.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Archers at dalawang panalo ang nangyari sa nagdaang linggo at si Teng ay naghatid ng 19 puntos, 7 rebounds at 3.5 assists averages.

Unang tinalo ng Archers ang UE, 75-65, sa overtime at si Teng ay naghatid ng 17 puntos.

Ang kakamping si Jason Perkins, Ateneo guard Chris Newsome, FEU guard Terrence Romeo at two-time MVP ng liga na si Bobby Parks Jr. ng NU ang mga tinalo ni Teng sa lingguhang parangal na ipinamamahagi ng mga mamamahayag sa peryodiko at online na kumokober sa UAAP.

 

Show comments