Rising Suns isusugal ang malinis na kartada

MANILA, Philippines - Isa lamang sa Cagayan Province at Phi­­lip­pine Ar­my  ang ma­­nanatiling wa­lang talo matapos ang la­rong magaganap sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dalawang kopo­nan na nasa unang dalawang puwesto sa liga ay magsusukatan sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon.

Unang magtatagisan sa ganap na alas-2 ang Phi­lippine Navy at ang Far Eastern University at ang magwawagi ay papa­sok sa win-column.

May 0-3 record ang Na­vy, habang nasa ilalim ang Lady Tamaraws sa 0-4 marka sa wa­long koponang kasali kaya’t asahan na magiging mainitan ang bakbakan dahil tiyak na ayaw ng dalawang ito ang mamaalam agad sa kom­petisyon.

Nasa quarterfinals na ang Lady Rising Suns sa 5-0 baraha pero kaila­ngan pa nila na manalo dahil carry-over ang karta ng anim na aabanteng tropa sa susunod na round.

Walang dudang sa attacks aasa ang Cagayan da­hil na sa kanila ang ma­huhusay na spikers katulad nina Thai import Kannika Thipachot, Angeli Ta­baquero at Aiza Maizo.

Pero babawiin ito ng La­dy Troopers sa solidong depensa at ang matikas na paglalaro ni Jovelyn Gonzaga.

Si Gonzaga ay nasa ika-walong puwesto sa sco­ring mula sa kanyang 47 puntos.

Sina MJ Balse, Nene Bautista, Michelle Caroli­no, Cristina Salak  at Joan­ne Bunag ang iba pang pu­wedeng kuminang para sa Army.

 

Show comments