St. Benilde inilugmok ang Mapua

MANILA, Philippines - Nagbida si Paolo Taha sa fourth quarter para tu­lu­ngan ang College of St. Benilde sa 74-62 paggiba sa sibak nang Mapua sa se­cond round ng 89th NCAA men’s basketball tour­nament kagabi sa The Are­na sa San Juan City.

Humugot si Taha ng si­yam sa kanyang game-high na 25 points sa final can­to para ibigay sa Bla­zers ang pang-limang panalo.

Sa likod ni Kenneth Ig­halo, nakalapit ang Car­dinals sa third period, 47-50.

Subalit nagtuwang si­na Taha, Mark Romero at Jo­nathan Grey para sa pag­layo ng St. Benilde ni coach Gabby Velasco sa fourth quarter.

Nagtumpok sina Ro­mero at Grey ng pinagsamang 11 markers sa final can­to at tumapos na may 13 at 14 points, ayon sa pag­kakasunod.

Nalasap naman ng Ma­pua ni Atoy Co ang ka­nilang ika-siyam na sunod na kamalasan.

St. Benilde 74 -- Taha 25, Grey 14, Romero 13, Bartolo 8, Saavedra 4, Garcia 4, Sinco 2, Argamino 2, De­les 2, Jonson 0, Carlos 0, Ongteco 0, Mercado 0.

Mapua 62 -- Ighalo 20, Eriobu 12, Saitanan 11, Bi­teng 8, Isit 4, Brana 3, Mag­to­to 2, Cantos 2, Guzman 0, Gonzalez 0, Magsigay 0, Es­trella 0.

Quarterscores: 14-10; 28-26; 50-47; 74-62.

 

Show comments