10 entries sa JRA Cup ngayon
MANILA, Philippines - Sampung kabayo na may edad 3-taong gulang at ang iba ay lumaban sa 2013 Philracom Triple Crown Championship ang magsusukatan muli sa JaÂpan Racing Association (JRA) Cup ngayon sa San LaÂzaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sa isang milya inilaÂgay ang karera na itinataÂguyod ng host club na Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at sinahugan ito ng P300,000.00 premyo na kung saan ang manaÂnalo ay maghahatid ng P180,000.00 gantimpala sa kanyang connections.
Ang mga kasali at mga hiÂnete ay ang Appointment (JB Hernandez), Be Humble (RV Leona), SeÂñor Vito (JB Guce), AmÂberdini (Val Dilema), AdaÂmas (JB Bacaycay), Fourth Dan (Pat Dilema), AziÂmuth (RG Fernandez), AnÂgel Of Mine (KB Abobo), Hot And Spicy (FM RaÂquel Jr.) at Sky Dragon (AB Alcasid Jr.).
Beterano ng Triple Crown ang mga kabaÂyong Be Humble, Fourth Dan, Hot And Spicy at Sky Dragon, habang ang SeÂñor Vito ay napalaban sa Hopeful Stakes race.
Ang Be Humble ay ipiÂnagabay muli kay LeoÂna matapos huling diskarÂtehan ni Jeff Zarate noong Agosto 6 at ang tambalan ay tumapos sa ikalawang puÂwesto kasunod ng Hot And Spicy sa maikling 1,300-metro distansya.
Ang dalawang kabayo ang inaasahang maglalaban muli pero hindi magpapahuli ang ibang kasali tulad ng Sky Dragon, SeÂñor Vito at Azimuth paÂra makuha ang paglalabaÂnang gantimpala.
Tatanggap ang papaÂngalawang kabayo ng P67,500.00, haÂbang ang paÂpangatlo at papang-apat ay mag-uuwi ng P37.500.00 at P15,000.00, ayon sa pagkakasunod.
Kasabay din na itatakbo sa hapong ito ang 2YO Maiden Race.
Ang mga kasali ay ang Mamang Sorbetero, Red Cloud, Pure Enjoyment, Masskara at coupled entry Dinagyang, Colonial Star at Princess Jo.
- Latest