MANILA, Philippines - Iniulat na kusang pumasok si unrestricted free agent forward Lamar Odom sa isang drug and alcohol rehabilitation center, ayon sa People.com.
“He realized he needs help,†sabi ng source ng People.com.
Hindi malinaw kung kailan nagdesisyon si Odom na pumasok sa rehab ngunit base sa mga pangyayari, tila kailan lamang ito.
Ayon sa etertainment news show na TMZ, nakita si Odom noong Labor Day matapos maaresto dahil sa suspetsang pagmamaneho nang nakainom o nakagamit ng droga.
Pinakawalan ang 33-gulang na forward sa piyansang $15,000 bail at sinuspindi ang kanyang lisensiya ng isang taon matapos tanggihan ang mga chemical test nang siya ay nasa presinto.
Ang pagkakaaresto kay Odom ay nangyari matapos lumabas ang mga ulat na ang 14-year NBA ve-teran na lumaro noong nakaraang season para sa Los Angeles Clippers at nanalo ng NBA titles at NBA’s 2011 Sixth Man of the Year Award sa Los Angeles Lakers — ay gumagamit ng crack cocaine, OxyContin at Ambien nitong mga nagdaang taon at hindi makita ng ilang araw matapos ang umano’y nabigong ‘intervention’ na ginawa ng kanyang asawang si Khloe Kardashian-Odom.