Sinagot ni Boston Celtics forward Jared Sullinger ng not-guilty plea nitong Martes ang kaso laban sa kanya na may kinalaman sa diumano’y domestic dispute nitong Sabado.
Binasahan si Sullinger ng kasong battery, malicious destruction of property at witness intimidation na bunga ng isang insidente na sangkot ang kanyang girlfriend na si Deann Smith. Ang piyansa ay $5,000.