Ini-waive ng Phoenix Suns si Michael Beasley nitong Martes, para tapusin ng team ang relasyon sa forward bagama’t isang taon pa lang tumatakbo ang kanyang three-year contract.
Nangyari ito, isang buwan matapos maaresto si Beasley sa suspetsang marijuana possession.
Si Beasley, nag-average ng career-low 10.1 points per game noong 2012-13, ay nakipagkasundo sa termination agreement na bawasan ang halagang ibaba-yad sa kanya ng team para sa natitirang dalawang taon ng kanyang kontrata.
Ini-waive ng Toronto Raptors si Richardson, wala pang dalawang buwan matapos itong makuha sa trade sa New York Knicks.
Pumirma noong Abril si Richardson, pumasok sa Toronto noong July 10 kasama sina center Marcus Camby, forward Steve Nash at tatlong future draft picks kapalit ni forward Andrea Bargnani at lumaro ng limang playoff games kung saan nag-average ito ng 3-minuto kada-laro.