^

PM Sports

San Sebastian, Emilio Aguinaldo maghihiwalay ng landas ngayon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maghihiwalay ng landas ngayon ang San Sebastian at Emilio Aguinaldo College habang manatiling nakaangat sa ibang kasali ang nais ng Letran sa 89th NCAA men’s basketball na magpapatuloy sa The Arena sa San Juan City.

Ikalimang panalo sa sampung laro ang mapapasakamay ng mananalo sa pagitan ng Stags at Generals sa ika-4 ng hapon na tagisan habang ika-10 panalo naman ang sinisipat ng Knights sa pagharap sa Lyceum dakong alas-6 ng gabi.

Makikisalo pa ang mananalo sa unang laro sa pahingang Jose Rizal University sa mahalagang ikaapat na puwesto kaya asahan na magiging mahigpitan ang tagisan ng Stags at Generals.

Natalo ang Generals sa Baste sa unang pagkikita, 74-81, pero mataas ang morale ng tropa ni coach Gerry Esplana dahil mayroon silang bitbit na three-game winning streak para makabalik sa paghahabol sa puwesto sa Final Four.

Tiyak na hindi magpapatalo ang tropa ni coach Topex Robinson na maghahangad na wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo upang masayang ang 4-2 pa-nimula.

Wala namang nakikitang problema ang Knights sa misyon lalo na kung maglalaro nang husto sina Raymond Almazan, Mark Cruz, Rey Nambatac at ang beterano pang si Kevin Racal na siyang nagbida sa 77-70 panalo ng koponan sa Mapua noong nakaraang Sabado.

Kailangan namang humugot ng inspiradong paglalaro sa kanyang mga bataan si coach Bonnie Tan para makaahon sa kasalukuyang 3-7 karta.

Talunan ang Pirates sa Knights sa unang pagkikita, 53-61 at papasok sila galing sa masamang 63-81 pagkakadurog sa kamay ng 3-time defending champion San Beda sa huling laro.

 

BONNIE TAN

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KEVIN RACAL

MARK CRUZ

RAYMOND ALMAZAN

REY NAMBATAC

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with