MANILA, Philippines - Babanderahan ni Fil-Am Treat Conrad Huey, kumakampanya sa doubles event ng US Open, ang kampanya ng bansa laban sa New Zealand sa Group II promotional tie ng Davis Cup Asia-Oceania Zone sa Setyembre 13-15 sa Plantation Bay Resorts and Spa sa Lapu Lapu City, Cebu.
Ang 28-anyos na si Huey ang mamumuno sa koponan kasama sina Fil-Am Ruben Gonzales, Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara.
Itatapat naman ng New Zealand sina Michael Venus, Artem Sitak, Marcus Daniell at Daniel King-Turner para sa labanan sa posisyon sa Group I.
Sinabi ni Philta vice president at Phl Davis Cup team administrator Randy Villanueva na inaasahan niyang ipapadala ng New Zealand ang pinakamahuhusay nilang atleta.
“This is the strongest New Zealand team we’re fa-cing,†wika ni Villanueva.
Si Gonzales ang highest ranked Filipino singles player sa kanyang ranggong No. 1,001. Si Huey ay No. 32 sa Association of Tennis Professionals.