MANILA, Philippines - Habang nagdiriwang ang Pilipinas sa dalawang ginto at tatlong pilak na napanalunan sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China ay kapansin-pansin pa rin ang malayong agwat sa palakasan ng bansa sa mga South East Asian countries.
Sina golfer Mia Legaspi at taekwondo jin Pauline Lopez ang naghatid ng dalawang ginto pero nalagay lamang ang Pilipinas sa ika-12 puwesto sa medal standing.
Nakaangat ang Thailand (6-15-16), Singapore (5-12-6), Vietnam (4-6-7) at Malaysia (4-6-7) na oku-pado ang ikaapat, anim, pito at walong puwesto.
“Our SEA neighbors have good youth sport program for the last 10 to 15 years. Tayo ay halos nga-yon lamang nagsisimula,†paliwanag ni AYG Chief of Mission Nathaniel ‘Tac’ Padilla na bumisita uli sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Pero hindi ito nanga-ngahulugan na hindi na makakabawi pa ang bansa dahil malaki ang potensyal na babangon na ang Pilipinas matapos ang naipakita sa AYG.
“The AYG has shown us that we have potential athletes. We just have to focus on sports where we have athletes who can win. Give them proper training and exposures and we will be able catch our neighbors,†ani Padilla.
Sa susunod na taon ay gagawin ang Youth Olympic Games sa Nanjing, China at nais ni Padilla na pulungin ng maaga ang mga National Sports Associations (NSAs) na sasali pa sa mga qualifying events para makita ang kanilang atleta at kung sino ang may magandang tsansa na umabante sa YOG na itinakda mula Agosto 14 hanggang 26.
Nakikita ni Padilla na kikinang din ang Pambansang atleta sa YOG dahil inaasahang makakasama sa delegasyon ang National boxers bukod pa sa mga taekwondo jins na mga tinitingala sa mundo.
Si Padilla ang magi-ging assistant ni POC president Jose Cojuangco Jr. na siyang manga-ngasiwa sa paghahanda ng YOG delegation.