Playoff para sa Final 4 tangka ng Bulldogs
MANILA, Philippines -Titiyakin ngayon ng National University ang playoff spot para sa Final Four sa pagharap sa na-ngungulelat na UP sa 76th UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.
Nakita ng Bulldogs ang sarili na nasa tuktok sa walong koponang liga nang matalo ang FEU sa huling laro laban sa UST, 79-78, sa double overtime.
May 8-3 baraha, ang ikasiyam na panalo sa Maroons sa larong itinakda sa ganap na ika-2 ng hapon ay sapat na para mahawakan ang playoff dahil ang UST at UE na nasa ikalima at anim na puwesto ay kaya pang tumapos ng hanggang siyam na panalo.
Ang magandang pagtutulungan ng mga ginagamit na manlalaro ni coach Eric Altamirano ang siya niyang sasandalan uli para panatilihing walang panalo ang Maroons matapos ang 11 laro.
Sumalo sa pahingang Tamaraws sa ikalawang puwesto ang nais naman ng La Salle sa pagharap sa minamalas na UE sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.
Galing sa 66-64 panalo ang Archers sa karibal na Ateneo matapos maipasok ni Jeron Teng ang winning basket at sasandalan nila ang momentum na ito para patuloy na idiskaril ang Warriors na hindi magagamit ang dalawang manlalaro.
Isisilbi ni 6’8†center Charles Mammie ang kanyang ikalawang sunod na game suspension habang si Ralf Olivarez ay mapapahinga sa una sa dalawang laro matapos ang pananakit na ginawa kina Robin Roño at Joeffrey Javillonar ng NU sa huling asignatura.
- Latest