Army Lady spikers tangka ang ika-3 panalo

MANILA, Philippines - Tangka ng Philippine Army ang ikatlong sunod na panalo para makalapit sa league leader na Caga-yan Province sa kanilang pagharap sa Phl National Police ngayon sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ang Lady Troopers na pumapangalawa sa Rising Suns na may malinis na 4-0 win-loss record, ang isa pang team na wala pang talo matapos magtagumpay sa  Phl Air Force, 25-22, 25-13, 25-18, noong Aug. 25 at Phl Navy, 25-14, 25-12, 25-13 kamakalawa.

Ang panalo sa alas-2 ng hapong pakiki-pagsagupa sa mga Police Women na talo sa kanilang unang dalawang asignatura ay magpapahigpit ng kanilang kapit sa No. 2 spot at maglalapit sa kanila sa  Cagayan.

Inaasahang pangu-ngunahan ni Lovelyn Gonzaga ang laban ng Army tulad sa kanilang unang dalawang panalo para manguna sa blocks, fourth sa spikes at sa service winners.

Galing naman ang PNP squad sa dalawang talo kontra sa Meralco, 17-25, 25-17, 25-21, 15-25, 9-15 sa pagbubukas ng liga noong Aug. 18 at 14-25, 15-25, 17-25 sa Smart-Maynilad makalipas ang 5-araw.

Sa alas-4:00 ng hapong laban, haharapin ng Meralco ang wala pang panalong Navy sa hangaring mapaganda ang 2-2 marka.

Natalo ang Meralco ng dalawa sa huling 3-laro sapul nang kunin si 6-3 Chinese reinforcement Coco Wang.

 

Show comments