MANILA, Philippines - Pinangalanan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr. si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia para maging Chief of Mission sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.
Si POC secretary-general Steve Hontiveros ang siyang nagsabi sa pagkakatalaga kay Garcia sa puwesto sa isang pananghalian kasama ang mga mamamaha-yag kahapon.
Malugod naman na tinanggap ni Garcia ang appointment at nangakong maagang magtatrabaho para mas mapaghandaan ang ipadadalang Pambansang delegasyon sa Korea na gagawin mula sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
“I want to thank Cong. Peping for the trust and confidence he has shown with this appointment. I was the deputy CDM in the Asian Games in Doha Qatar (2006) and in the 2007 Thailand SEA Games and was the CDM in the first Asian Indoor Games in Macau. I guess I have enough experience to head a delegation in the Asian Games,†wika ni Garcia.
Siya ang lalabas bilang ikalawang PSC chairman na binigyan ng ganitong tungkulin kasunod ni William Ramirez na siyang tinokahan sa puwesto ni Cojuangco para sa 2006 Doha Games.
Ipinangako ni Garcia na gagamitin niya ang lahat ng puwedeng gamitin sa nasasakupan upang matiyak na magiging maayos ang takbo ng screening at pagha-handa ng mga atleta para sa hangaring higitan ang naitalang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals sa 2010 Guangzhou Asian Games.
Ang unang gagawin ni Garcia ay ang maglagay ng mga taong bubuo sa secretariat para makatulong sa pagsipat ng mga manla-larong pupuwede sa Asian Games, kasama rito ang mga Fil-foreigners.