BOSTON -- Sinabi ni Celtics coach Brad Stevens na walang timetable para sa pagbabalik ni point guard Rajon Rondo na nagpapagaling pa ng kanyang nao-perahang tuhod.
Nauna nang napaulat na magiging handa si Rondo para sa pagbubukas ng season. Hindi siya nakapaglaro sa halos kalahati ng nakaraang season bunga ng isang partially-torn ACL.
“I have never heard a timeline from him and the latest that I’ve heard from our medical staff is that he’s progressing well,†sabi ni Stevens sa Boston Herald. “Our staff has spent a little bit of time with him off site here as well as we followed up on his rehab when he’s been away.
“He will be back in town soon. He’s working. I know that for a fact. He’s working hard to get back as soon as he can and I’m sure he will.â€
Nagsalpak si Rondo ng ilang free throws bago ang laro ng Celtics sa first-round noong Mayo.
Sinabi ni forward Jared Sullinger na umaasa siyang magbabalik si Rondo sa Disyembre.
Naglaro ang 26-anyos na si Rondo sa 38 laban ng Boston noong nakaraang season.
Nagposte siya ng mga averages na 13.7 points, 11.1 assists at 5.6 rebounds bago nagkaroon ng injury.