Tropang Texters kumonekta ng panalo
MANILA, Philippines - Bumangon ang Talk ‘N Text mula sa dalawang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Globalport, 102-95, tampok ang krusyal na offensive rebound at dalawang free throws ni Jayson Castro sa huling 15.3 segundo sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tumapos ang 5-foot-9 na si Castro ng 12 points para sa Tropang Texters sa ilalim ng game-high na 35 markers ni balik-import Tony Mitchell at 19 ni Larry Fonacier.
Bagama’t naglalaro na sa koponan sina Castro, Fonacier at Ranidel De Ocampo, mga miyembro ng Gilas Pilipinas, inamin ni coach Norman Black na hirap pa rin ang Talk ‘N Text na manalo sa torneo.
“We’re not a very good team right now,†wika ni Black. “Every game’s gonna be tough. Everything’s a bit of a struggle. We’re trying to hang in there to qua-lify in the next round.â€
Mula sa pagpoposte ng isang 10-point lead, 29-19, sa first period, nagawa itong palakihin ng Talk ‘N Text sa 14 puntos, 66-52, sa second quarter mula sa alley oop ni Mitchell.
Ngunit hindi basta sumuko ang Batang Pier, nabulilyaso ang hangad na two-game winning run, nang makalapit sa 95-100 sa huling 40.4 segundo ng final canto galing sa tambalan nina import Markeith Cummings at Gary David, miyembro rin ng Gilas Pilipinas.
Isang offensive rebound ni Castro ang nagresulta sa kanyang dalawang free throws sa nalalabing 15. 3 segundo na muling naglayo sa Tropang Texters sa 102-95 at selyuhan ang kanilang tagumpay.
Inaasahang maglalaro na si point guard Jimmy Alapag sa susunod na laban ng Talk ‘N Text kontra sa Alaska sa Biyernes.
“It will be a big lift for us when Jimmy comes back. It’s nice to hear his voice again in the team, his leadership,†wika ni Black sa kanyang one-time PBA Most Valuable Player na nagbakasyon matapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas.
- Latest