^

PM Sports

Win No. 4 target ng PNP kontra Judiciary sa UNTV Cup

Pang-masa

LARO NGAYON

( Pasig Sports Center )

2:30 p.m. DOJ vs Congress-LGU

4:00 p.m. MMDA vs AFP

5:30 p.m. Judiciary vs PNP

 

 

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng Phi­lip­pine National Police ang liderato sa pagsagupa sa Judiciary ngayong alas-5:30 ng hapon sa 1st UNTV Cup sa Pasig Sports Center sa Pasig Ci­ty.

Sa unang laro sa alas-2:30 ay maglalaban naman ang Congress-LGU at ang Department of Jus­tice, naghahangad na ma­wakasan ang isang three-game slump para sa tsan­sang makasikwat ng quar­terfinals seat.

Lalabanan ng Metro Ma­nila Development Authority ang Armed Forces of the Philippines sa alas-4 at hangad ang kanilang ikalawang sunod na pana­lo.

Tangan ng PNP ang 3-0 record kasunod ang Ju­­diciary (3-1),  MMDA (2-1), PhilHealth (2-2), AFP (2-2), Congress-LGU (1-3) at DOJ (0-3) sa torneo na inor­ganisa ng Breakthrough and Milestones Pro­ductions In­­­ternational (BMPI) Inc.sa pamamahala ni CEO at Chairman Daniel Razon.

Muling babanderahan ni dating UAAP hotshot Olan Omiping ang PNP, ha­­bang sasandal ang Judi­ciary kina dating PBA cen­ter Don Camaso, Ariel Ca­pus at celebrity John Hall.

Ang lahat ng laro ay ipapalabas ng live sa UNTV Channel 37.

 

ARIEL CA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRO

CHAIRMAN DANIEL RAZON

DEPARTMENT OF JUS

DEVELOPMENT AUTHORITY

DON CAMASO

PASIG SPORTS CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with