Davao City sinelyuhan ang overall title ng Batang Pinoy

TAGUM CITY, Philippines—Tuluyan nang sinelyuhan ng Da­vao City ang pagkopo sa overall title matapos manaig sa wrestling, arnis at karatedo sa 2013 Batang Pinoy Min­danao qualifying leg kahapon sa Davao del Norte Sports and Tourism Center.

Sina wrestlers Christian Badiang (53kg), Ronald Glenn Occena (66kg), Jhanine Marcos (40kg) at Sydney Sy Tancontian (62kg) ang nanguna sa pagsikwat ng Davao sa 19 gold medals.

Nagdomina naman sina Fernan Santoso (boys -49kg), Ridio Sumang (boys -58kg) at Lya Mae Caril­lo (girls 54kg) sa karatedo kumite events.

Sina Ethel Flores, Maridel Flores at Carrillo ang na­mayani sa girls kata team event na dinuplika nina Iz­zan Nugraha, Santoso at Sumang sa boys kata.

Sa full-contact arnis, nanalo sina bantamweight Klein Mata­verde, lightweight Michael Adolfo, Amena Ma­did (pin), Mary Joy Sajulan (bantam), Dianalyn Alcain (fea­ther) at Catherine Segura (light) para sa 77 gold, 58 silver at 31 bronze medals ng Davao City.

 

Show comments