Cagayan Rising Suns puntirya ang playoff seat

MANILA, Philippines -Masusukat ang lakas ng Cagayan Province sa pag­harap sa Meralco, habang ikalawang dikit na pa­nalo ang nais ng Army sa pagbangga sa Navy sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

May 3-0 karta ang La­dy Rising Suns at sakaling ma­nalo sa larong iti­nakda sa alas-4 ng hapon ay maha­hawakan na ang playoff para sa quarterfinal round.

Galing ang Cagayan sa 25-12, 25-12, 25-16 panalo kontra sa Navy noong na­karaang Biyernes kung sa­an gumamit si coach Nes­tor Pamilar ng 13 man­lalaro.

Ngunit tiyak na lili­mi­tahan niya ngayon ang manlalarong isasalang at itutuon ito sa mga kamador sa pangunguna ni Thai spiker Kannika Thipachot na pinaglaro lamang sa unang set sa huling laban ay umiskor pa ng pitong pun­tos.

Sa husay ng 6-foot-3 na si Coco Wang huhugot ng puwersa ang Meralco na aasa rin kina Fille Cainglet, Maica Morada at Ste­­phanie Mercado para ma­sundan ang mahirap na 25-12, 25-22, 18-25, 23-25, 15-13 tagumpay sa laban sa FEU sa huling laro.

Sina dating MVP Ma­ry Jane Balse, Michelle Carolino at Cristina Salak ang gigiya sa Army.

 

Show comments