Rematch nina Donaire at Darchinyan itinakda na sa Nobyembre 9 sa

MANILA, Philippines - Plantsado na ang mu­ling paghaharap nina da­ting uni­fied world super ban­­­tamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr at Vic Dar­­chinyan ng Armenia sa Nobyembre 9 American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.

Ito ang pahayag kaha­pon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa pa­nayam ng ESPN.com.

Pinatumba ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa huli ang mga hawak nitong In­­ternational Boxing Fe­de­ration at International Bo­xing Organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.

Maghaharap sina Do­naire (31-2-0, 20 KOs) at Dar­chinyan (39-5-1, 28 KOs) sa isang 10-round, non-title featherweight fight.

Nauna nang tinanggi­han ng 37-anyos na si Dar­chinyan na laba­nan ang 30-anyos na si Do­naire sa featherweight division.

“He’s a dangerous guy and he really wants this fight and revenge. You ne­ver take a guy like this lightly. Anything can happen in this business,” sabi ni Cameron Dunkin, ang ma­nager ni Donaire.

Nagmula ang tubong Ta­libon, Bohol na si Do­naire sa isang unanimous de­cision loss kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa kanilang unification su­per bantamweight bout no­ong Abril 13 sa New York City.

“I don’t know whether we’ll see the Donaire we were used to seeing be­fore the Rigondeaux fight or another version of the Donaire who fought Ri­gondeaux, so that makes this rematch with Dar­chinyan interesting,” ani Arum.

Bago ang kabiguan kay Rigondeaux ay umiskor ng panalo si Donaire ki­­na Wilfredo, Vasquez, Jr., Jeffrey Mathebula, To­shiaki Nishioka at Jorge Arce noong 2012 at hinirang na Boxer of the Year.

“This is a fight he’s been waiting for. I was able to get him that oppor­tunity, but now it’s up to Vic to prepare himself well. I’ve only had Vic for one fight, but here we are, in our second fight to­gether, and he’s got the re­match with Nonito that he has wanted for a long time,” wika ni Franz Espi­noza, ang manager ni Dar­chinyan.

 

Show comments