MANILA, Philippines - Nanalasa sa huling yugÂto si import EmmaÂnuel Mbe upang makasalo ang NU sa FEU sa unang puwesto mula sa 81-73 paÂnalo kontra sa UE sa 76th UAAP men’s basketÂball kagabi sa Smart AraÂneÂta Coliseum.
Bantay lamang ang mas maliit na si Chris JaÂvier dahil suspendido ang 6-foot-8 import ng Warriors na si Charles Mammie, ang 6’7 na si Mbe ay nagbagsak ng walo sa kanyang 18 points para maiÂsantabi ang huling pagÂdikit ng UE sa dalawang puntos, 57-59.
May 11 rebounds pa si Mbe pero ang maganda sa ipinakita ng tropa ni coach Eric Altamirano ay nanatili ang kanilang katatagan kahit binigyan ng matinÂding hamon ng UE na hinÂdi rin nagamit sa laro si Lord Casajeros at ang pagka-foul out sa ikatlong yugto ni Ralf Olivares.
“Coming into this game, we knew UE will come out with a lot of emotion and use that (suspensions) as their motivaÂtion. There were some part of the game that I felt we lost our composure but the good thing is that we regain in back,†wika ni Altamirano, may magandang puwesto para kunin ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four.
Si Bobby Ray Parks Jr. ay tumapos taglay ang 18 points at 10 boards, haÂbang si Robin Roño ay naghatid ng 12 puntos sa 3-of-7 shooting sa tres.
May 10 puntos si Roi SuÂmang para sa Red Warriors.
Tinapos naman ng AÂdamson ang kanilang anim na suÂnod na kamalasan nang kunin ang 67-53 paÂnalo laban sa UP sa uÂnang laro.
Si Ingrid Sewa ay humakot ng 18 points, 15 rebounds at 3 steals para sa Falcons, habang sina RoiÂder Cabrera, Jansen Rios at Celedonio Trollano ay tumapos bitbit ang 17, 16 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Matapos ang laro ay iniÂhayag ni Adamson coach Leo Austria na iiÂwaÂnan na niya ang koÂpoÂnan matapos ang seaÂson.
Adamson 67 - Sewa 18, Cabrera 17, Rios 16, Trollano 11, Inigo 4, Monteclaro 1, Ochea 0, Brondial 0, Agustin 0.
UP 53 - Soyud 17, MaÂrata 8, Lao 8, Asilum 7, DeÂsiderio 4, Ball 4, Wong 2, PasÂcual 2, Ligad 1. Suarez 0, Gingerich 0, Amar 0.
Quarterscores: 20-14; 35-24; 46-38; 67-53.
NU 81 - Mbe 18, Parks 18, Roño 12, Villamor 6, Rosario 6, Javillonar 6, Porter 4, Khobuntin 4, Alolino 3, Javelona 2, Alejandro 2.
UE 73 - Noble 16, Olivares 15, Sumang 10, Javier 10, Jumao-as 8, Sumido 6, SanÂtos 5, Olayon 2, Alberto 1, Pujante 0, Flores 0, Hernandez 0.
Quarterscores: 16-14; 41-31; 52-49; 81-73.