MANILA, Philippines - Humakot si balik-imÂport Arizona Reid ng 35 points, 19 rebounds at 4 assists para tulungan ang nagÂdedepensang Rain or Shine sa 109-95 pagguÂpo sa Air21 sa elimination round ng 2013 PBA GoÂvernor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa PaÂsay City.
Winakasan ng Elasto PainÂtÂers ang kanilang daÂlawang sunod na kamalasan.
“This is a big game for us coming back from two bad losses. For the meantime it stopped the bleeÂding for us,†sabi ni coach Yeng Guiao.
Isang 14-4 ratsada niÂna Reid, Paul Lee at Ryan Araña ang nagbigay sa Rain or Shine ng 19-10 kaÂlamangan bago nakalapit ang Air21 sa 30-32 sa seÂcond period.
Mula sa pangunguna niÂna balik-import Zach GraÂham at Mike Cortez ay nakabangon ang Express sa 87-93 sa ilalim ng huling tatlong minuto sa final canto matapos magÂlista ang Elasto Painters ng isang 12-point lead.
Naghulog ng isang 12-4 bomba, ang 10 dito ay buhat kay Reid, ang Rain or Shine para muling makalayo sa 105-91 na tuÂluyan nang tumiyak sa kaÂnilang tagumpay.
Sa ikalawang laro, tiÂnaÂÂlo ng Petron Blaze ang San Mig Coffee, 89-83.
Umiskor si import Elijah Millsap ng 31 points para sa Boosters.
Samantala, hangad ng Alaska ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Barangay GiÂnebra ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Talk ‘N Text at Globalport sa alas-4:15 ng hapon sa MOA Arena.
Kumuha ng panalo ang Aces sa Elasto PainÂters, 94-79, noong Agosto 28, habang yumukod naman ang Gin Kings sa BaÂrako Bull Energy, 91-104, noong Biyernes.
Sa nasabing kabiguan ay nagkaroon si 6-foot-8 Japeth Aguilar ng Gin Kings ng isang sprained MCL (medial collateral liÂgament) sa kanyang kaÂnang tuhod matapos buÂmagsak.
Base sa resulta ng MRI (magnetic resonance imaÂging), halos anim na linggong magpapahinga si Aguilar at hindi na makaÂkaÂlaro sa eliminasyon.
Rain or Shine 109 - Reid 39, Lee 19, Araña 14, Belga 9, Norwood 7, Chan 7, Cruz 4, Quiñahan 4, Matias 2, Tang 2, Ibañes 2, Tiu 0, RodÂriguez 0.
Air 21 95 - Canaleta 25, Cortez 21, Graham 18, MaÂnuel 13, Isip 10, Sharma 5, Sena 2, Custodio 1, Omolon 0, Arboleda 0.
Quarterscores: 26-21; 52-47; 80-72; 109-95.