MANILA, Philippines - Tinapos ng Mighty ZeÂus ang pagtakbo sa buwan ng Agosto bitbit ang isa pang panalo noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa isang 3YO Handicap 1 idinaos ang karera sa 1,200-metro distanÂsya at ang Mighty Zeus ay ginabayan ngayon ni Mark Alvarez ngunit hinÂdi nagbago ang tikas ng pagÂtakbo habang sinasakyan noon ni Jeff ZaraÂte.
Ikatlong sunod na paÂnaÂÂlo ito ng kabayong biÂnigyan ng pinakamabigat na handicap weight na 56 kilos at hindi pinaporma ng tambalan ang second choice na Madame Rhea sa pagdadala ni RV PoblaÂcion at napatawan ng piÂnakamagaan na handicap weight na 49 kilos.
Naghatid ang win ng P6.00, habang P7.00 ang ibiÂnigay sa 4-3 forecast.
Nagpasikat din ang mga di napaborang mga kaÂbayo sa bakuran ng PhiÂlippine Racing Club Inc. (PRCI).
Ang lumabas bilang long shot sa gabing ito ay Ubolt na ginabayan din ni AlÂvarez, habang ang paÂngalawang dehado ay ang Hot Momma.
Sa race 5 na isang 3YO Special Handicap Race sa 1,200-metro distanÂsya nakuha ni Alvarez ang ikalawang panalo sa gabi nang gabayan ang Ubolt sa panalo na kanyang una mÂatapos ang tatlong takbo sa buwan ng Agosto.
Ang napaborang Nurture Nature na pumang-anim sa Lakambini Stakes Race sa pagdadala ni Pat Dilema ngunit ngayon ay saÂkay si CP Henson ay puÂmang-apat lamang.
Nasegunda ang Mistah sa pagdadala ni Antonio AlÂcasid Jr. upang matuwa ang mga dehadista dahil umabot sa P49.50 ang win, habang P375.00 ang dibidendo sa 5-1 forecast.
Nagbunga naman ang pagbabalik ni Chris Garganta sa ibabaw ng Hot Momma nang bumalik ang tikas ng kabayo at maÂnalong muli.
Galing ang kabayo sa pang-siyam na puwestong pagtatapos sa Lakambini Stakes race sa pagdiskarte ni Alcasid.