TAGUM CITY , Philippines —Kumolekta ang DaÂÂvao City ng nga gintong medalya muÂla sa judo, taekwondo at swimming at iwanan ang General Santos City sa kaÂrera para sa overall title sa Mindanao quaÂlifying leg ng 2013 Batang Pinoy Games.
Matapos kumuha ng apat kamakalaÂwa ay dinagdagan naman ni Samantha CamÂbronero ng dalawa ang kanyang koÂleksyon ng gold medals sa kanyang mga panalo sa girls’ 13-15 200-meter inÂdividual medley at 100m breast stroke sa Davao del Norte Sports and Tourism center swimming pool.
Limang ginto naman ang iniambag ni Fritz Jun Rodriguez sa boys’ 12-under division sa pagtatapos ng swimming competitions.
Sa kabuuan, humakot ang Davao CiÂty ng 29 gold medals sa swimming kaÂsama ang mga panalo nina Sheanetelle Fox, Katrina Nicole Aguelo, Juan Antonio Mendoza, Chyll Bea Amparo, Zoe Marie Hilario at Pia Alissandra Ballos.
Nanaig din ang Davao City sa judo at taekwondo mula sa kanilang 13 gold meÂÂdals para sa kabuuan nilang 49 gold, 40 silver at 26 bronze medals.
Ang mga nagwagi ay sina judokas James Ryan (-73kg), Andre Tequin (-55kg) at Chino Tancontian (-50kg) sa boys’ division, habang nanaig sina Sydney Tancontian (-70kg), Charrisse AseÂneÂta (-52kg), Steffany Calamba (-44kg) at Jhanen Marcos (-40kg) sa girls side.