PNoy Sports ilulunsad sa QC ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ngayong araw ang PNoy Sports  sa Quezon City Memorial Circle sa ganap na alas-8 ng umaga, isang kampanya para buhayin ang eth­nic sports sa bansa at ibalik ang mga tradisyunal na la­rong Pinoy.

Ang sports event na inihahatid ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office ay mabilis na tugon sa pana­wagan ni Pangulong Benigno Aquino III na paunlarin ang mga programang pangkalusugan.

Kaagad itong pinalantsa nina PCSO Chairman Mar­gie Juico at PCSO GM Ferdinand Rojas at nakipag­tulungan sa Yellow Ribbon Movement.

Dadalo sa paglulunsad sa Quezon City Memorial Circle sina Vice Mayor Joy Belmonte, Councilor Ma­yen Juico , PCSO Chairman Juico, PCSO GM Rojas at YRM President Lyn Aguirre.

Halos 400 batang may edad na 7 hanggang 12-an­yos ang maglalaro sa limang kategorya.

Show comments