Brewer idinagdag ng Houston Rockets

HOUSTON -- Matapos makuha ni general mana­ger Daryl Morey si free agent Dwight Howard, dinala naman niya sa Houston Rockets si free agent swingman Ronnie Brewer.

Hangad ng Rockets na tapatan ang San Antonio Spurs at ang Oklahoma City Thunder para sa korona ng Western Conference.

Nagtala si Brewer ng mga  averages na 3.0 points at 2.3 rebounds sa loob ng 14 minuto para sa nilaruang New York Knicks at Thunder sa nakaraang season.

Show comments