TAGUM CITY, Philippines—Kumuha ng apat na gintong medalya si tanker Samantha Cambronero sa pagdomina ng Davao City sa swimming event ng 2013 Batang Pinoy Mindanao qualifying leg sa Davao del Norte Sports and TouÂrism Center.
Pinagreynahan ng 15-anyos na estudyante ng Precious International School of Davao ang girls’ 13-15 50-meter breaststroke (38.61 segundo), 200m breast (3:02.14), 50m butterfly (35.31) at piÂnamunuan ang koponan sa 200m medley relay (2:26.26) katuwang sina Pia Alissandra Ballos, HaÂkura Jade Shimizu at SheaÂnetelle Fox.
Nagbigay naman ng tig-tatlong ginto para sa DaÂvao City sina Katrina Nicole Aguelo, Fritz RodÂriguez at Fox sa kani-kaÂnilang mga events.
Sa kasalukuyan, nakaÂkuha na ang Davao City ng 19 gold medals.
May tig-dalawa sina Rey Jacob Alino, Cedric Fox, Zoe Marie Hilario, Juan Antonio Mendoza at Chyll Bea Amparo.