Generals sumalo sa 5th spot

MANILA, Philippines - Nakisalo ang Emilio Agui­naldo College sa pang­-limang puwesto ma­tapos talunin ang bumubulusok na Mapua, 89-80, sa elimination round ng 89th NCAA men’s basket­ball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan.

Tumabla ang Generals sa San Sebastian Stags sa ika-limang posisyon mula sa magkatulad nilang 4-5 kartada.

Humakot si Cameroonian import Noube Happi ng 17 points, 22 rebounds at 2 shotblocks para pa­ngunahan ang EAC.

Mula sa 67-68 agwat sa Cardinals ay isang 13-2 atake ang ginawa ng Gene­rals para iposte ang malaking 10-point lead, 80-70.

Sa juniors division, ti­nalo ng Mapua Red Ro­bins (6-1) ang EAC-ICA Brigadiers (1-8) sa bisa ng 101-86 tagumpay.

(Juniors)

Mapua 101 -- Serrano 26, Villaseñor 14, Aguirre 13, Pascua 12, Cabural 8, Victoria 6, Lugo 6, Calderon 6, Concepcion 4, Velvez 4, Russel 2, Mumar 0, Magpayo 0, Rivera 0.

EAC 86 -- Aguilar 15, Dultra 15, A. Piopongco 14, J. Piopongco 12, Alafriz 8, Redido 8, Fandialan 7, Rafael 4, Bacarisa 3, Palileo 0, Escala 0.

Quarterscores: 28-13; 55-33; 79-54; 101-86.

EAC 89 - Paguia 18, King 17, Happi 17, Jamon 11, Munsayac 9, Tayungtong 8, Arquero 5, Morada 4, Monteclaro 0, Castro 0, Manga 0.

Mapua 80 - Ighalo 21, Mag­sisgay 21, Brana 17, Isit 12, Gonzales 4, Estrella 4, Biteng 1, Saitanan 0, Layug 0, Cantos 0.

Quarterscores: 17-23; 43-40; 63-63; 89-80.

 

Show comments