Liderato asam ng Cagayan Rising Suns

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na pa­na­lo na magpapalakas sa la­ban para sa unang puwesto ang habol ng Cagayan Valley sa pagharap sa Philippine Navy sa pag­papatuloy ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang tampok na laro na magsisimula sa alas-4 ng hapon at sasakyan ng Rising Suns ang isang three-sets win na naiposte sa kanilang huling laro laban sa dating walang ta­long Smart-Maynilad pa­tungo sa 2-0 baraha.

Hindi nagkukumpi­yan­sa si Cagayan coach Nes­tor Pamilar lalo pa’t ito lamang ang unang laro ng Navy na ipaparada ang mga beteranong sina Michelle Laborte, Abigail Pra­ca at Janeth Serafica.

“Wala tayong masyadong alam pa sa istilo ng ka­nilang paglalaro. Pero maganda ang ipinakikita ng mga bata kaya alam kong maganda ang tsansa naming manalo,” wika ni Pamilar.

Ang mahuhusay na Thai imports na sina spi­ker Kannika Thipachot at setter Phomia Soraya ang mangunguna sa Rising Suns, ngunit hindi magpa­pahuli sina Aiza Maizo, An­geli Tabaquero at Pau So­riano na makapaghatid ng mga numero para ma­tulungan ang koponan na ma­natiling walang talo sa torneo.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa pagitan ng Far Eastern University at ng Philip­pine Air Force at ang mananalo ay papasok sa win column sa ligang suporta­do ng Accel at Mikasa.

Parehong bagsak sa unang dalawang laro ang La­dy Tamaraws at ang Air Women pero bahagyang ma­papaboran ang FEU la­lo na kung maipakitang mu­­li ang magandang ini­la­ro kontra sa Meralco na nanalo lamang sa mahigpitang five-sets.

Show comments