^

PM Sports

Isang ‘himala’ kung mananalo ang Pilipinas sa 2014 World Cup

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay inamin na ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na ‘hi­mala’ na kung may ta­ta­lunin silang koponan sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Sinabi ni Reyes na mahihirapan ang Gilas Pilipinas sa isa man sa apat na ko­ponang umabante sa se­mifinal round ng kasa­lu­kuyang 2013 FIBA AfroBasket sa Abidjan, Cote d’Ivoire (Ivory Coast).

“Very slim vs Angola, slim vs d other 3, but at least may chance,” wika ni Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot ka­hapon mula sa kanyang gi­nagawang scouting sa tor­neo sa Ivory Coast.

Maliban sa Ivory Coast, ang iba pang naka­pasok sa Final Four ay ang An­go­la, Egypt at Senegal.

Giniba ng Senegal ang Nigeria, 64-63; inilampa­so ng Angola ang Moroc­co, 95-73; nilusutan ng Egypt ang Cape Verde, 74-73; at tinalo ng Ivory Coast ang Cameroon, 71-56, sa quarterfinals.

Nakatakdang sagupain kagabi ng Ivory Coast ang Angola, habang makaka­ha­rap ng Egypt ang Sene­gal.

Ang dalawang kopo­nang mananalo ang awto­matikong makakakuha sa dalawa sa tatlong tiket pa­ra sa 2014 FIBA World Cup sa Spain, habang ang ikatlo at huling puwesto ay pag-aagawan ng dalawang natalong tropa.

“Watching d Afro Bas­ket games tells me 1 thing: this should be our next tune-up series: Tunisia, An­gola, Nigeria, Ca­­me­roon, Cote d ‘Ivoire (Ivory Coast),” sabi ni Reyes.

Bukod sa Gilas Pilipinas, ang dalawa pang ka­­katawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup ay ang Iran at Korea.

AFRO BAS

CAPE VERDE

CHOT REYES

FINAL FOUR

GILAS PILIPINAS

IVORY COAST

REYES

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with