AR Villegas iginiya ang Rabble Rouser

MANILA, Philippines - Nakuha ni AR Villegas ang diskarte sa kaba­yong Rabble Rouser para makatikim muli ng panalo ang kabayo  na nangyari no­ong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ikalawang sunod na pag­diskarte ito ng hinete at napalabas niya ang tikas na nakita sa Rabble Rouser nang manalo sa PCSO race noong Abril sa pagdodomina sa 3YO Han­dicap race four.

Sa 1,400-metro ang dis­tansyang pinaglabanan sa karerang nilahukan ng siyam na kabayo at buo na dumating ang Rabble Rouser para hiyain ang mga pinaborang Boss Jay at Big Boy Vito.

Ang makinang na takbo ay tumabon sa pang-anim na puwesto lamang na pagtatapos ng tambalan noong Hulyo 13 sa na­sabing race track.

Dahil hindi napaboran ay nagdiwang ang mga de­hadista na pumanig sa Rabble Rouser dahil ang win ay nagpasok ng P137.50, habang ang 6-1 forecast ay naghatid pa ng mas magandang P576.50 dibidendo.

Ang iba pang karera ay pinagharian ng mga na­paborang lahok kasama na ang Angel of Mercy na kampeon sa 2YO Maiden Division na pinaglabanan sa 1,300-metro distansya.

Si EM Raquel ang hinete ng kabayong tumakbo kasama ang coupled en­try Lady Wind at tinalo ng Angel Of Mercy ang Wil­lingandable na sinak­yan ni Pat Dilema at ga­ling sa pangatlong pagta­tapos sa isang novatos race no­ong Hunyo 13.

Patok ang coupled en­tries para makapaghatid ng P6.50, habang nasa P19.50 ang 4-5 forecast.

Kasama rin sa naka­pagbigay ng panalo ay ang apprentice jockey na si RV Leona sa ibaba ng kabayong C Bisquick sa class division 4 race na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya.

Nanatiling walang ta­lo ang kabayo sa hu­ling tat­long buwan at hindi umub­­ra ang hamong hatid ng Top Wise na bumaba ng grupo at ngayon ay hawak ni Mark Alvarez.

Kalat ang benta sa 10 ka­bayong sumali kaya’t nag­hatid pa ng P15.00 ang win, habang P71.00 ang 3-4 sa forecast.

 

Show comments