MANILA, Philippines - Hangad ng Generals na makasalo sa pang-liÂmang posisyon sa pagsaÂguÂpa sa bumubulusok na CarÂdinals.
Lalabanan ng Emilio Aguinaldo College ang MaÂpua ngayong alas-6 ng gaÂbi sa elimination round ng 89th NCAA men’s basÂketball tournament sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay maghaharap naman ang EAC Brigadiers at Mapua Red RoÂbins sa juniors’ division.
Nanggaling ang GeÂnerals sa 79-63 paggupo sa Arellano University Chiefs noong Agosto 17.
Sa naturang tagumpay na nalimitahan ng EAC si Fil-Canadian James Forrester, isa sa mga top scoÂrers ng Arellano.
Dahil dito, inaway ni Forrester si Generals’ rooÂkie Sydney Onwubere at kailangan pang awatin ng mga venue bouncers para pakalmahin.
Napatawan si OnwuÂbeÂre ng isang one-game susÂpension at hindi makakalaro kontra sa Cardinals.
Si Forrester ay nabigyan naman ng isang two-game suspension.
Muling aasa ang EAC kina Cameroonian Noube Happi at Jan Jamon.
Si Happi ay nagtatala ng mga averages na 14 points at 13 rebounds, haÂbang may 11 points per game average si JaÂmon.
Hangad naman ng MaÂpua na mawakasan ang kanilang six-game loÂsing slump.
Huling nakatikim ng paÂnalo ang Cardinals noÂong Hulyo 1 matapos ang 104-99 tagumpay laban sa San Sebastian.