MANILA, Philippines - Muling ibinalik ng Blue Eagles sa lupa ang Tamaraws para ipagpatuloy ang kanilang mainit na pagbangon mula sa 0-4 panimula.
Ipinagpag ng five-time champions na Ateneo De Manila University ang Far Eastern University, 92-73, sa second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tumipa si Juami Tiongson ng 20 points paÂÂra banderahan ang kopoÂnan kasuÂnod ang 18 ni KieÂfer RaÂveÂna.
Nagdagdag naman si rookie Christ Newsome ng 11 points at 14 boards.
Maagang inalis ng Blue Eagles ang pag-asa ng Tamaraws matapos kuÂnin ang 26-8 abante sa first quarter.
Isang 6-0 atake ang ginawa ng Ateneo sa pagsisimula ng second period para ibaon ang FEU, winalis ang first round bago natalo ng dalawang sunod sa pagbubukas ng second round, sa 32-13.
Ipinoste ng Blue Eagles ang malaking 73-40 kaÂlamangan sa TaÂmaÂraws, nanggaling sa 98-94 double overtime win laban sa University of the East Red Warriors noong Linggo, sa third quarter.
Ang nasabing panalo sa FEU ang gagamitin ng Ateneo sa pagsagupa sa karibal na De La Salle UniÂversity sa Linggo.
“We responded well and we hope that we can carry this momentum against strong teams like La Salle,†ani Blue Eagles’ rookie coach Bo PeÂrasol.
Binanderahan ni Terrence Romeo ang Tamaraws mula sa kanyang 19 points, ngunit may 7-of-24 fieldgoals shooting.
Nag-ambag naman si RR Garcia ng 11 markers.
Sa ikalawang laro, wiÂnakasan naman ng UniÂverÂsity of Sto. Tomas ang kaÂnilang three-game loÂsing slump matapos taluÂnin ang Adamson University, 80-67.
Ateneo 92 – Tiongson 20, Ravena 18, Newsome 11, Tolentino 9, Golla 9, BueÂnafe 9, Pessumal 5, Elorde 5, Capacio 4, Erram 2, Murphy 0, Enriquez 0, Asuncion 0, Asistio 0.
FEU 73 – Romeo 19, GarÂcia 11, Tolomia 9, Pogoy 9, Hargrove 6, Belo 6, Jose 5, Iñigo 3, Cruz 3, Lee Yu 2, Sentcheu 0, Mendoza 0, Luz 0, Dennison 0, Delfinado 0, Aguilon 0.
Quarterscores: 26-11; 51-28; 73-45; 92-73.
UST 80 - Abdul 19, Daquioag 17, Mariano 16, Lo 8, Ferrer 8, Bautista 6, SheÂriff 4, Hainga 2, Pe 0.
Adamson 67 - Brondial 15, Cruz 13, Trollano 12, Rios 12, Sewa 6, Cabrera 5, Monteclaro 2, Iñigo 2, Petilos 0, Julkipli 0, Agustin 0, Abrigo 0.
Quarterscores: 15-18; 31-30; 51-47; 80-67.