Brewer nakipagkasundo sa houston rockets

HOUSTON -- Sinabi ni forward Ronnie Brewer na kumuha na siya ng physical test para pumirma sa Houston Rockets.

Ayon sa 28-anyos na free agent forward, nakipagkasundo siya sa isang two-year contract sa Rockets.

Ang 6-foot-7 at 225-pounder mula sa Arkansas ay maglalaro sa kanyang pang-walong taon sa NBA.

Noong nakaraang season, nakita siya para sa New York Knicks at Oklahoma City Thunder.

Nagtala siya ng mga averages na 3.0 points at 2.3 rebounds per game at sa kanyang NBA career, mayro­on siyang average na 8.2 points.

 

Show comments