MANILA, Philippines - Mula sa 0-4 panimula ay sumasakay ngayon ang Blue Eagles sa isang five-time winning streak na siÂyang pinakamahaba sa 7th UAAP men’s basÂketÂball tournament.
Puntirya ang pang anim na sunod na ratsada, saÂsagupain ng five-time chamÂpions na Ateneo De MaÂnila University ang Far Eastern University ngaÂyong alas-2 ng hapon kaÂsunod ang salpukan ng University of Sto. Tomas at Adamson University sa alas-4 sa second round sa Smart Araneta Coliseum.
Sa unang dalawang laÂro ng Ateneo ay hindi naÂkita sa aksyon si 2012 Rookie of the Year Kiefer RaÂvena dahil sa isang calf inÂjury.
“Kung mapapansin ninÂyo, ‘yung four wins na ‘yun, not for anything else, nandoon si Kiefer,†saÂbi ni rookie coach Bo PeÂrasol kay Ravena. “Alam naman nila na ‘yung stability, ‘yung leaÂdership, nanggagaling kay KieÂfer.â€
Sinikwat ng Blue Eagles ang kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos talunin ang Falcons, 79-66, noong Agosto 25.
Sa nasabing panalo ay umiskor sina Ravena at Ryan Buenafe ng tig-18 points para sa Ateneo.
Winakasan naman ng FEU ang kanilang two-gaÂme losing skid matapos walisin ang first round muÂla sa isang 98-94 double overtime win kontra sa University of the East noÂong Linggo.
Tumipa si Terrence RoÂmeo ng career-high na 30 points para sa panaÂnaig ng TaÂmaraws laban sa Red WarÂriors.
Sa ikalawang laro, mag-uunahan naman sa pagÂbangon mula sa kabiÂguÂan ang Tigers at ang FalÂcons.