Romeo muling hinirang na ACCEL 3XVI Player of the Week

MANILA, Philippines - Maraming players ang nakitaan ng magandang la­ro sa nagdaang UAAP men’s basketball tournament.

Pero walang makakatapat sa naipakita ni Terrence Romeo ng Far Eastern University upang sa ikaapat na pagkakataon ay siya ang gawaran ng UAAP Press Corps bilang ACCEL 3XVI Player of the Week.

Inalis ni Romeo ang pagdududa sa kanyang kaka­yahan na balikatin ang koponan nang gumawa siya ng  30 points para pamunuan ang 98-94 double overtime victory ng FEU laban sa University of the East noong Ling­go.

Kinatampukan ang marka na ito ni Romeo ng krusyal na tres na nagbigay ng 95-91 kalamangan sa Tamaraws sa huling 2:08 sa ikalawang overtime para tapusin ang dalawang sunod na pagkatalo at manati­ling nagsosolo sa itaas ng team standings ang tropa ni coach Nash Racela mula sa 8-2 baraha.

“Ni-remind ko lang sila na kailangan naming mag-step-up especially ‘yung mga walang gaanong mi­nutes,” sabi ni Romeo.

Ang pag-iinit pa ni Romeo ay nangyari sa larong wa­la si RR Garcia.

Hindi naman ninais ni Romeo na kunin ang lahat ng kredito dahil ang panalo umano ay produkto ng ma­gandang team work.

Sina Jason Perkins ng La Salle, Kiefer Ravena at Ryan Buenafe ng Ateneo at Robin Roño ng National Uni­­versity ang iba pang ikinonsidera sa parangal na hatid din ng Gatorade matapos ang magagandang ipinakita para ipanalo ang kanilang koponan.

Show comments