HONG KONG – Sinabi ni Nathaniel ‘Tac’ PadilÂla, ang tumayong Chef-De-Mission ng Philippine deÂlegation sa katatapos na 2nd Asian Youth Games, na dapat palakasin ng mga NaÂtional Sports Associations (NSAs) ang kanilang youth development progÂram.
“If we want to excel in competitions like this we must strengthen our youth program,†sabi ni Padilla. “We must focus on our young athletes.â€
Kumolekta ang bansa ng dalawang gold at tatlong silver medals sa 10-day competition para sa mga atletang may edad 14 hanggang 17-anyos na niÂlahukan ng kabuuang 45 bansa.
Sumikwat ang mga atÂleta ng medalya mula sa golf, taekwondo at tennis at may potensyal na manalo sa athletics, badminton, 3-on-3 basketball, fenÂcing, judo, rugby, shooting, swimming, table tennis at weightlifting.
Ang mga nanalo ng ginÂtong medalya ay sina Mia Legaspi at Pauline Louise Lopez at ang pilak ay iniambag nina Princess SuÂperal, Francis Aaron AgoÂjo at Jurence MendoÂza.
Ang 2 gold at 3 silver meÂdals ng mga Filipino athletes sa Nanjing ang duÂmaig sa one-silver, one-bronze tally ng bansa sa 1st AYG sa Singapore noÂong 2009.
“There should be continuity. Once you identify the talents you must to push through with their deÂvelopment,†ani PadilÂla, isang five-time gold meÂdalist sa SEA Games.
Sa edad na 12-anyos ay nanalo si Padilla ng gold medal sa 1976 World JuÂnior Shooting ChamÂpionÂships sa Mexico.